Litrato
Sa aming paglisan ang litrato ang laging di maiwan Laging kasama sa ano man laban ng buhay Kapag nalulumbay o napapagod litrato ang hinahawakanNapapailing o napapangiti sa katitig ng mga litrato ng mga naiwan
Kapag napagalitan ng among panga-api ng dayuhan Uupo na lang sa isang tabi at ang isang munting litrato ay aming tangan Larawan ang sumbungan sa lahat ng paghihinagpis ng buhay Kinakausap hanggang makatulog ng tuluyan
Buti na lang nandyan ang litro pangpawi ng inis at lumbay na nararamdaman Di na lang papansinin ano mang pangaaping naranasan Dahil sa mga mata ng mga nasa litrato na nagsasabing “kami’y naghihintay at lagi mo karamay sa ano mang laban ng buhay”
Taon man ay lumipas litrato pa rin ay maasahan sa paggabay ng buhay ng aming mga minamahal Nasusundan ang paglaki ng mga anak at apong naghihintay Maraming okasyon ang dumaan aming pinanghihinayangan
Dama ang kirot sa aming dibdib na di kami kasama sa mga bagong litrato ng aming mga mahal sa buhayNgunit kita sa aming mga mata na may halong saya kapag nakikita sila’y malulusog at masasaya sa bawat pirasong litrato na aming natatanggap at napagmamasdan
Sa aming pakikibaka sa buhay litrato ang pangpalakas sa buhay Lagi nagpapaalala na kami’y may pinaglalaanan ng lahat ng sakripisyo na aming pinagdadaanan. Lagi may bakas ng ngiti sa mga labi kapag ang litrato ay aming tangan at laging handa sa ano man laban
Sa aming manlalakbay malaki ang bahagi ng litrato Ito ang aming gabay sa araw araw dito sa malayong lugar Kung saan naghahanap buhay para sa mga mahal sa buhay
February 17th, 2008 at 2:16 am
can i add you as a friend?