Ang Umalis ng Sariling Bayan
Umalis sa aking bayan upang baguhin ang aking pamumuhay Halo-halong nararamdaman ng umupo pa lang sa eroplanong aking hinintay Naiiyak na parang bata at ang hanap ang nanay pati ang tatay Tinititigan ang pintuan di mawari kung tatalikuran and bayang naghihintay Napatulala ng pansamantala at biglang may sumigaw “ umupo ng husay” at unti-unting umangat at umalis ng tuluyan ang eroplanong aking sinasakyan
Nakarating ng maayos sa bagong bahaywalang makakasama at walang karamay takot ang bumalot at pagaalala kung paano makakayaSinusubukan na lang na umasa sa gabay ng Dyos at may dasal na kasama
Unti unting nakakasanayan ang buhay na ganito pinipilit na maging masigla at para di mabato nababawasan ang pagaalala at nakakapadala ng konting balato mga tsokolate, de lata at kape at kung sinuwerte may kasama pang pabango Konting pera ang isasakripisyo para magkaron ng bahay at lupa na bato at itutuloy ang kontrata hanggang mabuo ang pangnegosyo
Di maiwasan minsan ang lungkot na dumadaan Iiyak ka na lang at matutulog kung kinakailangan Para di matuluyan na masiraan mugto ang mata kinaumagan at maliligo para mapreskuhan Patuloy na lumaban para makayanan and lahat ng karanasan na di maiwasan
Nakakalungkot ang mga pinagdaanan Marami ang gustong matikman Katulad ng baboy na sinigang o kinamatisan Pati pansit ni aling Beng na nakakatakam ultimong adobong pusit na malinamnam Amoy ng tuyo na may hiniwang kamatis sa umagahan Yan ang mga nakakapanghinayang habang wala ka sa sariling bayan
Walang magagawa kundi maghintay At magpasalamat sa may bigay ng bagong buhay At nawa’y maibalik ko ang lahat ng bigay Sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at nangangailangan Walang katapusan pasasamat at tayo ay napagbigyan sa ganitong buhay At balang araw gusto ko makita ng Poong mahal kung gaano ko pinahalagahan ang lahat ng biyaya na aking natikman
Sana’y sa lahat na nagsusumikap at malayo sa mga minamahalWag mawalan ng pagasa ikaw din ay balang araw ay mamahingawag lang sayangin ang mga kinita at purihin ang Dyos sa lahat ng bigay nya
Di niya tayo pinabayaan mula sa araw ng ating paglisan hanggang sa makabalik sa ating bayan Kungdi sa iyong gabay di ko sana narating itong aking kinalalagyan Maraming Salamat po aking panginoon sa lahat ng mga biyaya na iyong binigay


